Hilam-Dilat
Hinggil sa mga kasalukuyang parisukat—
Itong mga parisukat sa loob ng parisukat ay pagpapaunlad ng anyong SATOR-ROTAS: isang sinaunang palindromong inukit mula sa (ngayo’y patay na) wikang Latin. Natagpuan ito mula sa guho ng Pompeii at mga lumang simbahan. Kinikilala ng ilan itong kuwadradong anyo bilang uri ng kandado, i.e., mga salitang isinaayos upang hindi tablan ng panghihimasok ng diablo.
Ipinapaloob sa mga parisukat ang mga ganap nitong 2022, mga bugso ng pag-asa sa patuloy na panggagapi at pagpapatahimik. Sa AKLAT—TOOLS halimbawa, inuusisa ang paghugot ng mga libro mula sa ating mga kamay bilang bahagi ng kabuuang diskarte ng nakaraan at kasalukuyang gubyerno: ang pagpurol sa kritikal na pag-iisip ng mamamayan upang mas madali tayong linlangin at takutin, upang bawasan ang ating kakayahang hadlangan ang kaliwa’t kanang inhustisya, pangungurakot, at panggigipit.
DENNIS ANDREW S. AGUINALDO
marso—kaayo
abril—labor
aklat—tools
TUNGKOL SA ARTIST
Dennis Andrew S. Aguinaldo
Nagtuturo ng mga kursong sining at panitikan si Dennis Andrew S. Aguinaldo para sa Departamento ng Humanidades, CAS, UPLB. Naging fellow siya ng mga palihan para sa malikhaing pagsusulat: AILAP, UST, UP, at IYAS. Nakolekta sa mga aklat ang kaniyang mga kuwento at tula—sa Shift of Eyes at Bukod sa maliliit na hayop. Naging bahagi siya ng mga group exhibits na Waylaying Innocence at Salungguhit.